Wednesday, March 23, 2005

Sa Piling ng mga Dayuhan

Ako ngayon ay nasa ibang bayan. Sa isang bayan na ako ang dayuhan, ako ay isa lamang sampit sa kanilang lugar. Nakakatuwang isipin ang aking naramdaman noong nalaman ko na ako'y ipapadala ng aming kumpanya sa bansang hindi lamang ako ang nagmimithing makarating kundi maging ang iba.
Enero ng taong kasalukuyan ng aking malaman ang desisyon ng aking boss. Natuwa ako, excited pa nga e. Wala pang kasiguraduhan ang aking pag-alis, ako'y namili na ng mga gamit na aking dadalhin. Wow! Sosyal na ang dating ko. Pero pagkaraan ng ilang araw, nalulungkot ako. Homesick ika nga. Aking naalala hindi lamang ang init ng klima sa pilipinas kundi maging ang init ng pagmamahal sa piling ng aking pamilya.
Ganito pala ang pakiramdam ng mga OFW na nakikita ko noon sa airport. Nagtrabaho ako noon sa airport. Akala ko OA kung iisipin na mag-iiyakan ang pamilya sa paglisan ng isang kapamilya. Kung tutuusin kagustuhan naman yun ng aalis. Pinili nya iyon, desisyon na iyon kaya panindigan nya. Ngayon alam ko na. Gustuhin mo man, malulungkot ka pa rin. Gustuhin mo man, mapapaisip ka kung tama ba na lumisan ka.
Ang tao nga nman. Pero sa totoo lang, mas mahal ko na ngayon ang bansang Pilipinas hindi lamang sa init ng klima kundi dahil sa pamilyang naiwan

No comments:

Post a Comment