Sa araw-araw ng buhay ko, lagi akong napapaisip at nagtatanong ng mga tanong na mahirap o kadalasa’y walang sagot. Paano nga, wala din naman akong mapapagtanungan kasi sigurado akong di rin masasagot ng taong pagtatanungan ko.
Naisip nyo na ba kung bakit sa mundong ito, may mahirap at may mayaman? Kung bakit may pangit at may maganda? Bakit may matalino at may bobo? Hindi ba sabi nga nila lahat ng tao ay pantay-pantay? Pantay bang masasabi na si Juan dela Cruz ay halos magkandakuba sa kakatrabaho upang makakain ng tatlong beses sa isang araw samantalang si Uncle Sam naman ay nag-eenjoy sa kaka-gimik at hindi inaalintana ang perang winawaldas? Papano naman si Maria Magdalena na nagtratrabaho sa opisina at pag-uwi sa gabi aasikasuhin ang pangangailangan ng pamilya habang si Curly Sue ay nasa parlor nagpapaganda at pag-uwi sa bahay may mga katulong at yaya na aasikaso sa kanilang pangangailangan? Napapaisip ko na rin kayo ano? Kung hindi pa, siguro manhid ka at walang pakialam sa nangyayari sa kapaligiran mo.
Maaring sa mundong ito, hindi tayo pantay sa estado sa buhay. Maaring ang tinutukoy nila na pamatayan ay ang pagiging isang tao natin: ang pagkakaroon natin ng mga pagsubok sa buhay; ang pagkakaron ng wakas sa ating hininga; ang pagkaramdam ng sakit. Maaaring marami pang dahilan kung bakit sinasabing lahat ng tao ay pantay-pantay ngunit ang tanging naisip ko na dahilan ay ang pagiging likha tayo ng Diyos.

No comments:
Post a Comment