Minsan sa aking buhay ako'y may nakilalang nilalang. Isang nilalang na kung sa anong kadahilanan ay hindi ko maipaliwanag ang kanyang pagkatao. Itatago ko na lang sa pangalang TOTOY BIBO.
Nakilala ko si Totoy Bibo sa isang lugar na ako at ang ibang taong nakakakilala sa kanya ang may alam. Naging kaibigan ko sya ngunit hindi yung matatawag na "close friend". Sa umpisa nakakatuwa at nakakatamba ng puso kung iyong iisipin na ipinagkakatiwala ni Totoy Bibo ang kanyang mga problema, sekreto, mga saloobin. Ngunit habang tumatagal nakakairita lalo na kung paulit ulit na lang. At lalong nakakainis kapag may halong kayabangan ang kanyang binbitawang salita. Tingin kasi nya sobrang galing nya (kaya nga bibo d ba?). Pero kung tutuusin puro hangin lang naman. Haaay.. sana naman matauhan sya. Sana naman magkaroon na ako ng lakas ng loob na semplangin sya. Pero pag d sya tumigil bibingo na talaga sya sa akin.
Ano ang magiging wakas ni Totoy Bibo? Sa ngayon hindi ko pa alam.....
No comments:
Post a Comment